Tuesday, October 22, 2013

Masskara Ng Pag-asa

Makulay,
Masaya at
Maingay

Ngayong taon ako'y pinalad na masilayan ang kilalang City of Smiles, ang Bacolod City.

Taunang ipinagdiriwang dito ang Masskara Festival tuwing Oktubre.

Nagmula sa dalawang banyagang salita na Mass o masa at kara o muka, nangangahulugang mukha ng masa.

Tunay ngang ika'y mahahawa at mapapangiti sa makukulay at naggagandahang masskara.

Sa taong ito, niyanig man ng intensity 5 na lindol, walang nakapigil sa pag indak ng mga taga Bacolod suot ang kanilang mga Masskara na naging simbolo na ng saya at pag asa.

Sumilang 34 apat na taon nang nakararaan ang selebrasyon upang magbigay pag asa sa mga Bacoloño matapos ang paglubog ng MV Don Juan at ng crisis sa asukal. Mula noon, hanggang ngayon anumang pagsubok ang dumaan sa syudad nariyan ang mga nakangiting maskara na bumubuhay sa kanilang pag asa.

Bukod sa makulay na pista, masasarap na pagkain ang ipinagmamalaki ng Bacolod City.

Dito makikita ang manukan country, isang hilera ng higit dalawampung kainan ng original na Bacolod chicken inasal.

Sa dalawampu't dalawang kainan, ang Nena's Rose ang isa sa pinakadinarayo dito. Higit tatlong dekada ang tatlong henerasyon nang pinagpasapasahan ang paggluluto ng kanilang inasal.

Kwento nga ng ngayo'y may ari na nito na si Rose, lola pa nya ang nagsimula nito. Elementary palang sya nagtitinda na sa bangketa ng chicken inasal ang lola nito.

Sa kasalukuyan, ang dating sa bangketa lang natitikman, ngayon ihinahain na sa kanilang apat na restaurant na nakakalat sa buong Bacolod. Si Rose at mga anak na nito ang namamahala.

Ang Bacolod, taniman din ng tubo at sentro ng asukarera kaya saan ka man bumaling puro matatamis na pagkain.

Bukod sa iba't ibang cakes paburitong pasalubong dito ang piyaya at napoleones.

Ito rin marahil ang dahilan ng pagiging sweet at mabait ng mga Bacoloño.

Noong 2008 sa survey na inilathala ng MoneySense magazine, nanguna ang Bacolod bilang Best place to live in the Philippines.

Ako ma'y di magtataka dahil sa maraming lugar nang aking napuntahan, Bacolod na ata ang pinakamasarap pasyalan.